Sino ba si Cedric Lee na sangkot sa pambubugbug kay Vhong Navarro?

cedric lee

MANILA, Philippines—Si Cedric Lee ang itinuturo ni Vhong Navarro na diumano’y “mastermind” sa pambobugbog sa kanya. Ano ba ang pagkatao ni Lee?

Si Lee ay isa diumanong bigtime na kontraktor na nasangkot din sa panggugulpi sa dating athlete na si David Bunevacz na dati niyang kasosyo sa negosyo.

Ayon sa artikulo na lumabas sa Philippine Daily INQUIRER na may petsang Jan. 18, 2008, si Lee at mga kasama nito na sina Tyrone Ong, Loiue Kau, Chito Ho at Dominquie Sytini ang umupak kay Bunevacz, na dati nilang kapartner sa negosyo at sa nasabing insidente kinuha rin ng nasabing grupo ang kotse ng biktima na Porsche, mamahaling relo at cellular phone.

Hindi naman nakadetalye sa kuwento kung ano ang naging sanhi ng paghihiwalay nina Lee at Bunevacz.

Napabalita din na si Lee, ay ex-boyfriend ni Vina Morales dalawang taon na ang nakakaraan.

Bukod sa pagiging bigtime na kontraktor, si Lee ay Board Chairman at Company President ng Izumo Contractors na nakabase sa Robinsons Galleria Corporate Center, na siyang gumawa ng Davao del Sur Cultural Sports Business Center at Maasin City Integrated Market Complex.

Siya rin ang managing director ng malaking kompanyang Colossal Mining Corporation, pinakamalaking minahan ng bakal at guhangin sa Pilipinas na may lawak na 40,000 hectares.

Siya rin ang chairman at pangulo ng Phil-Asia Dredging and Reclamation Corporation, na mayroong dalaawang taon na kontrata para sa paghuhukay ng Cagayan River.

Ang mga iba pang kompanya ni Lee ay ang  Waste Management Incorporated na nakakontra rin sa probinsiya ng Cebu para sa konstruksiyon dito ng landfill.

Si Lee ay mayroong Bachelor’s degree on Business Management sa De La Salle University.